Font Size
2 Samuel 14:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Samuel 14:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Sumagot ang hari, “Kung may magbabanta sa iyo, dalhin mo siya sa akin at titiyakin kong hindi ka na niya muling gagambalain.” 11 Sinabi ng babae, “Mahal na Hari, sumumpa po kayo sa Panginoon na inyong Dios, na hindi nʼyo papayagang may maghiganti pa sa anak ko para hindi na lumala ang pangyayari, at para hindi mapatay ang anak ko.” Sumagot si Haring David, “Isinusumpa ko sa Panginoon na buhay, na hindi mapapahamak ang anak mo.”[a]
12 Sinabi ng babae, “Mahal na Hari, may isa pa po akong hihilingin sa inyo.” Sumagot ang hari, “Sige, sabihin mo.”
Read full chapterFootnotes
- 14:11 na hindi … anak mo: sa literal, wala ni isang buhok ng anak mo ang mahuhulog sa lupa.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®