Font Size
2 Samuel 14:10-12
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 14:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Sinabi ng hari, “Kapag may bumanggit pa nito sa iyo, iharap mo sa akin para wala nang gumambala sa iyo.”
11 “Kung ganoon po,” wika ng babae, “ipanalangin po ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na huwag na nilang paghigantihan ang aking anak.”
Sumumpa ang hari, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] walang masamang mangyayari sa anak mo.”
12 “Isa pa pong kahilingan kung maaari, Kamahalan,” patuloy ng babae.
“Sabihin mo,” sagot ng hari.
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 14:11 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.