Add parallel Print Page Options

11 “Kung ganoon po,” wika ng babae, “ipanalangin po ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na huwag na nilang paghigantihan ang aking anak.”

Sumumpa ang hari, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] walang masamang mangyayari sa anak mo.”

12 “Isa pa pong kahilingan kung maaari, Kamahalan,” patuloy ng babae.

“Sabihin mo,” sagot ng hari. 13 At nagsalaysay ang babae. “Bakit po naman naisipan ninyong gawin ang ganoong kasamaan sa bayan ng Diyos? Sa inyo na rin pong bibig nanggaling ang hatol sa inyong Kamahalan sa hindi ninyo pagpapabalik sa inyong anak na inyong ipinatapon!

Read full chapter

Footnotes

  1. 11 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .