Add parallel Print Page Options

21 Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay,[a] sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”

22 Sinabi ni David, “Mabuti! Kung gayon, magpatuloy ka.”

Nagpatuloy nga siya, kasama ang mga tauhan at ang kanilang mga pamilya. 23 Umiyak ang mga taong-bayan habang umaalis ang hari at ang kanyang mga tauhan. Tumawid sila ng Batis ng Kidron at nagtuloy sa ilang.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 15:21 hangga't si Yahweh…nabubuhay: o kaya'y saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, at hanggang buháy ang hari .