Font Size
2 Samuel 15:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 15:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay,[a] sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”
22 Sinabi ni David, “Mabuti! Kung gayon, magpatuloy ka.”
Nagpatuloy nga siya, kasama ang mga tauhan at ang kanilang mga pamilya. 23 Umiyak ang mga taong-bayan habang umaalis ang hari at ang kanyang mga tauhan. Tumawid sila ng Batis ng Kidron at nagtuloy sa ilang.
Read full chapterFootnotes
- 21 hangga't si Yahweh…nabubuhay: o kaya'y saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, at hanggang buháy ang hari .