Add parallel Print Page Options

Ganito ang laging ginagawa ni Absalom sa mga Israelitang humihingi ng katarungan sa hari, kaya't nakuha niya ang loob ng mga ito.

Lumipas ang apat[a] na taon at sinabi ni Absalom sa hari, “Pahintulutan ninyong magpunta ako sa Hebron upang tuparin ko ang aking panata kay Yahweh. Nang nakatira pa ako sa Gesur ng Aram ay nangako ako nang ganito: ‘Kung loloobin ni Yahweh na ako'y makabalik sa Jerusalem, pupunta ako[b] at sasamba sa kanya.’”

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 15:7 apat: Sa ibang manuskrito'y apatnapu .
  2. 2 Samuel 15:8 pupunta ako: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na sa Hebron .