Font Size
2 Samuel 16:10-12
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 16:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Ngunit sinabi ng hari kay Abisai at sa kapatid nitong si Joab, “Huwag kayong makialam. Kung iniutos ni Yahweh kay Simei na sumpain ako, sinong may karapatang sumaway sa kanya?” 11 Sinabi ni David kay Abisai at sa lahat niyang lingkod, “Kung ang anak ko mismo ay nagtatangka sa aking buhay, hindi nga kataka-taka ang ginagawa ng Benjaminitang ito. Hayaan ninyo siyang magmura at sumpain ako. Inutusan siya ni Yahweh na gawin ito. 12 Baka naman kahabagan ako ni Yahweh sa kalagayang ito,[a] at pagpalain ako sa halip na sumpain.”
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 16:12 kalagayang ito: o kaya'y aking kasalanan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.