Add parallel Print Page Options

13 Patuloy sa paglakad sina David at ang kanyang mga tauhan, samantalang sa gilid ng burol, sa tapat nila'y sumasabay si Simei. Hindi ito tumitigil ng panlalait, pambabato, at pagsasaboy ng alikabok sa dakong kinaroroonan nila sa kapatagan. 14 Pagkatapos, dumating ang hari at ang kanyang mga kasamahan na pagod na pagod sa may Ilog Jordan.[a] At nagpahinga muna sila roon.

Pumasok si Absalom sa Jerusalem

15 Hindi nagtagal, pumasok nga sa Jerusalem si Absalom kasama ang lahat ng Israelita pati si Ahitofel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 16:14 sa may Ilog Jordan: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito .