Font Size
2 Samuel 16:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 16:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Sinabi ng hari, “Ziba, ang lahat ng ari-arian ni Mefiboset ay magiging iyo.”
Sumagot si Ziba, “Pag-utusan po ninyo ang inyong lingkod; maging karapat-dapat sana ako sa inyong pagtitiwala.”
Nilait ni Simei si David
5 Nang papalapit na sa Bahurim si Haring David, isang kamag-anak ni Saul ang lumabas sa lansangan na nagmumura. Ito'y si Simei na anak ni Gera. 6 Pinagbabato niya si David at ang mga tauhan nito, kahit napapaligiran ang hari ng kanyang mga bantay at kawal.
Read full chapter