Font Size
2 Samuel 17:17-19
Ang Biblia (1978)
2 Samuel 17:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Si Jonathan at si Ahimaas nga ay nagsitigil sa tabi ng (A)Enrogel; at isang alilang babae ang pinaparoon at pinapagsaysay sa kanila; at sila'y nagsiparoon, at isinaysay sa haring kay David: sapagka't sila'y hindi makapakitang pumasok sa bayan.
18 Nguni't nakita sila ng isang bata, at isinaysay kay Absalom: at sila'y kapuwa lumabas na nagmadali, at sila'y nagsiparoon sa bahay ng isang lalake sa (B)Bahurim, na may isang balon sa kaniyang looban; at sila'y nagsilusong doon.
19 At ang babae ay (C)kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon, at nilagyan ng mga (D)trigo na giniik; at walang bagay na naalaman.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978