Add parallel Print Page Options

18 Nguni't nakita sila ng isang bata, at isinaysay kay Absalom: at sila'y kapuwa lumabas na nagmadali, at sila'y nagsiparoon sa bahay ng isang lalake sa (A)Bahurim, na may isang balon sa kaniyang looban; at sila'y nagsilusong doon.

19 At ang babae ay (B)kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon, at nilagyan ng mga (C)trigo na giniik; at walang bagay na naalaman.

20 At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay; at kanilang sinabi, Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan? (D)At sinabi ng babae sa kanila, Sila'y tumawid sa batis ng tubig. At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem.

Read full chapter