Add parallel Print Page Options

19 At ang babae ay (A)kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon, at nilagyan ng mga (B)trigo na giniik; at walang bagay na naalaman.

20 At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay; at kanilang sinabi, Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan? (C)At sinabi ng babae sa kanila, Sila'y tumawid sa batis ng tubig. At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem.

Si David ay pinilit na tumawid sa Jordan. Pagpapakamatay ni Achitophel.

21 At nangyari, pagkatapos na sila'y makaalis, na sila'y nagsilabas sa balon, at nagsiyaon at isinaysay sa haring kay David: at kanilang sinabi kay David, Kayo'y magsibangon, at magsitawid na madali sa tubig: sapagka't ganito ang ipinayo ni Achitophel laban sa inyo.

Read full chapter