Font Size
2 Samuel 19:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 19:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Kagandahang-loob ni David kay Mefiboset
24 Si(A) Mefiboset na apo ni Saul ay sumalubong din sa hari. Mula nang umalis si David hanggang sa matagumpay niyang pagbabalik, hindi naghugas ng paa si Mefiboset ni nagputol ng balbas o naglaba ng kanyang damit. 25 Nang dumating siya mula sa Jerusalem, sinabi ng hari, “Bakit hindi ka sumama sa akin, Mefiboset?”
26 “Mahal na hari,” wika niya, “alam po ninyong ako'y pilay. Kaya ipinahanda ko po sa aking katulong ang sasakyan kong asno upang sumama sa inyo. Ngunit hindi niya ako sinunod.
Read full chapter