Add parallel Print Page Options

31 At si (A)Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim; at siya'y tumawid sa Jordan na kasama ng hari, upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan.

32 Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo, na may walong pung taon: at kaniyang ipinaghanda ang hari ng (B)pagkain samantalang siya'y nasa Mahanaim; sapagka't siya'y totoong dakilang tao.

33 At sinabi ng hari kay Barzillai, Tumawid kang kasama ko, at aking pakakanin ka sa Jerusalem.

Read full chapter