Add parallel Print Page Options

14 Sinabi ni Abner kay Joab, “Paglabanin natin sa ating harapan ang ilan sa mahuhusay nating sundalo.” Pumayag si Joab, 15 at tumayo ang 12 tauhan ni Ishboshet na mula sa lahi ni Benjamin para makipaglaban sa 12 tauhan ni David. 16 Hinawakan nila ang ulo ng isaʼt isa at nagsaksakan hanggang sa mamatay silang lahat. Kaya tinawag na Helkat Hazurim[a] ang lugar na iyon sa Gibeon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:16 Helkat Hazurim: Ang ibig sabihin, ang lugar na nagkaroon ng labanan sa pamamagitan ng espada.