Font Size
2 Samuel 2:16-18
Ang Biblia, 2001
2 Samuel 2:16-18
Ang Biblia, 2001
16 At hinawakan ng bawat isa sa kanila ang ulo ng kanyang kaaway, at ibinaon ang kanyang tabak sa tagiliran ng kanyang kaaway; kaya't sama-sama silang nabuwal. Kaya't ang lugar na iyon ay tinatawag na Helcatasurim[a] na nasa Gibeon.
17 At ang labanan ay naging matindi nang araw na iyon. Si Abner at ang mga lalaki ng Israel ay natalo sa harap ng mga lingkod ni David.
18 At naroon ang tatlong anak ni Zeruia, sina Joab, Abisai at Asahel. Si Asahel ay matulin ang paa na gaya ng mailap na usa;
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 2:16 Ang kahulugan ay ang parang ng mga talim ng tabak .