Add parallel Print Page Options

29 Buong gabing naglakad si Abner at ang mga tauhan niya sa Lambak ng Jordan.[a] Tumawid sila sa Ilog ng Jordan at nagpatuloy sa paglalakad buong umaga hanggang sa makarating sila sa Mahanaim.

30 Nang huminto si Joab sa paghabol kay Abner, siya at ang mga tauhan niya ay umuwi na rin. Nang tipunin ni Joab ang mga tauhan niya, nalaman niyang bukod kay Asahel, 19 ang napatay sa kanila. 31 Pero 360 ang napatay nila sa mga tauhan ni Abner, at ang lahat ng iyon ay mula sa lahi ni Benjamin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:29 Lambak ng Jordan: sa Hebreo, Araba.