Font Size
2 Samuel 2:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 2:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Isinama rin ni David ang kanyang mga tauhan pati ang kani-kanilang pamilya. 4 Dumating(A) sa Hebron ang mga taga-Juda at binuhusan nila ng langis si David bilang hari ng Juda.
Nang sabihin nila kay David, “Ang mga taga-Jabes-gilead ang naglibing kay Saul,” 5 nagpadala siya ng mga tauhan sa mga taong iyon dala ang pagbating, “Nawa'y pagpalain kayo ni Yahweh sa kagandahang-loob at kabutihang ginawa ninyo sa panginoon ninyong si Saul, nang siya'y inyong ilibing.
Read full chapter