Font Size
2 Samuel 20:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 20:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Ngunit isang matalinong babae ang nangahas tumayo sa isang mataas na lugar sa pader at mula roon ay nanawagan, “Makinig kayo! Makinig kayo! Sabihin ninyo kay Joab na pumarito. Gusto ko sana siyang makausap.” 17 Paglapit ni Joab, tinanong siya ng babae, “Kayo po ba si Joab?”
“Ako nga,” sagot nito.
“Pakinggan po ninyo ang aking sasabihin,” sabi ng babae.
“Sige, nakikinig ako,” wika naman ni Joab.
18 “Noong araw,” sabi ng babae, “mayroon pong ganitong kasabihan: ‘Magtanong ka sa lunsod ng Abel’, at ganoon nga ang ginagawa ng mga tao noon upang malutas ang kanilang suliranin.
Read full chapter