Add parallel Print Page Options

10 At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit, at inilatag niya sa ibabaw ng bato, mula sa (A)pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid, o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang.

11 At nasaysay kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aja, na babae ni Saul.

12 At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa (B)mga lalake ng Jabes-galaad, (C)na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng (D)Beth-san, na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa:

Read full chapter