Font Size
2 Samuel 21:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 21:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Sa buong panahon ng anihan hanggang dumating ang tag-ulan, si Rizpa na anak ni Aya ay hindi na umalis sa kinaroroonan ng mga bangkay. Gumawa siya ng isang silungang sako sa ibabaw ng isang malaking bato at binantayan ang mga bangkay upang hindi makain ng mga ibon at maiilap na hayop.
11 Nang mabalitaan ito ni David, 12 ipinakuha(A) niya ang bangkay ni Saul at ni Jonatan sa mga pinuno ng Jabes-gilead. Ninakaw ng mga ito ang bangkay nina Saul at Jonatan sa Bethsan na ibinitin doon ng mga Filisteo noong araw na sila'y mapatay sa Gilboa.
Read full chapter