2 Samuel 21:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa (A)mga lalake ng Jabes-galaad, (B)na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng (C)Beth-san, na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa:
13 At kaniyang iniahon mula roon ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak; at kanilang pinisan ang mga buto ng mga ibinitin.
14 At kanilang ibinaon ang mga buto ni Saul at ni Jonathan na kaniyang anak sa lupain ng Benjamin sa (D)Sela sa libingan ni Cis na kaniyang ama: at kanilang tinupad yaong lahat na iniutos ng hari. (E)At pagkatapos ang Dios ay nadalanginan dahil sa lupain.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978