Font Size
2 Samuel 21:15-17
Ang Biblia, 2001
2 Samuel 21:15-17
Ang Biblia, 2001
Mga Pakikidigma Laban sa mga Filisteo
15 Ang mga Filisteo ay muling nakipagdigma sa Israel; at si David ay lumusong kasama ang kanyang mga lingkod at sila'y lumaban sa mga Filisteo; at si David ay napagod.
16 At si Isbibenob, na isa sa mga anak ng higante na ang bigat ng kanyang sibat ay tatlongdaang siklong tanso, na may bigkis ng bagong tabak ay nagpanukalang patayin si David.
17 Ngunit(A) sinaklolohan siya ni Abisai na anak ni Zeruia, at sinalakay ang Filisteo at pinatay siya. Nang magkagayo'y sumumpa sa kanya ang mga tauhan ni David, “Hindi ka na lalabas pang kasama namin sa labanan, baka mo patayin ang tanglaw ng Israel.”
Read full chapter