Add parallel Print Page Options

16 At si Isbi-benob, na sa mga anak ng higante; na ang bigat ng sibat (A)niya ay tatlong daang siklong tanso, na palibhasa'y nabibigkisan ng bagong tabak ay nagmunukalang patayin si David.

17 Nguni't sinaklolohan siya ni (B)Abisai na anak ni Sarvia, at sinaktan ang Filisteo, at pinatay niya. Nang magkagayo'y nagsisumpa sa kaniya ang mga lalake ni David, na nangagsasabi, (C)Hindi ka na lalabas pa na kasama namin sa pakikipagbaka, upang huwag mong patayin ang tanglaw ng Israel.

18 (D)At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y sinaktan ni (E)Sibechai na Husathita si Saph, na sa mga (F)anak ng higante.

Read full chapter