2 Samuel 21:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Si Ishbi Benob na Filisteo na mula sa angkan ng mga Rafa,[a] ay nagtangkang patayin si David. Tanso ang dulo ng sibat niya na tumitimbang ng mga apat na kilo, at may nakasukbit pa siyang bagong espada. 17 Pero dumating si Abishai na anak ni Zeruya para iligtas si David, at pinatay niya ang Filisteo. Pagkatapos nito, sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Hindi na po kami papayag na muli kayong sumama sa amin sa labanan. Tulad kayo ng ilaw sa Israel at ayaw naming mawala kayo.”
18 Nang sumunod na mga panahon, muling naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita sa Gob. Sa labanang ito, pinatay ni Sibecai na taga-Husha si Saf, na isa sa mga angkan ng Rafa.
Read full chapterFootnotes
- 21:16 Rafa: o, Rafamita. Maaaring matatangkad na tao na naninirahan sa Canaan bago dumating ang mga Israelita. Tingnan ang Deu. 2:10-11.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®