Add parallel Print Page Options

Kanilang sinabi sa hari, “Ang lalaking pumuksa sa amin at nagpanukalang lipulin kami, upang huwag kaming magkaroon ng lugar sa buong nasasakupan ng Israel,

ay ibigay sa amin ang pito sa kanyang mga anak, upang aming ibitin sila sa harapan ng Panginoon sa Gibeon sa bundok ng Panginoon.” At sinabi ng hari, “Ibibigay ko sila.”

Ngunit(A) iniligtas ng hari si Mefiboset na anak ni Jonathan, na anak ni Saul, dahil sa panata ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kina David at Jonathan na anak ni Saul.

Read full chapter