2 Samuel 21:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Nguni't ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul, dahil sa (A)sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kay David at kay Jonathan na anak ni Saul.
8 Nguni't kinuha ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na (B)anak ni Aja, na kaniyang ipinanganak kay Saul, si Armoni at si Mephiboseth; at ang limang anak ni (C)Michal na anak na babae ni Saul na kaniyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzillai, na Molathita:
9 At ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga Gabaonita at mga ibinitin nila sa bundok sa harap ng Panginoon, at nangabuwal ang pito na magkakasama. At sila'y pinatay sa mga kaarawan ng pagaani, sa mga unang araw, sa (D)pasimula ng pagaani ng sebada.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978