Add parallel Print Page Options

Kinuha(A) ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na anak ni Aya, na kanyang ipinanganak kay Saul, sina Armoni at Mefiboset at ang limang anak ni Mical na anak na babae ni Saul na kanyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzilai, na Meholatita;

at kanyang ibinigay sila sa mga kamay ng mga Gibeonita at kanilang ibinitin sila sa bundok sa harapan ng Panginoon, at magkakasamang namatay ang pito. Sila'y pinatay sa mga unang mga araw ng pag-aani, sa pasimula ng pag-aani ng sebada.

10 Kumuha si Rispa na anak ni Aya ng isang magaspang na tela, at inilatag para sa kanyang sarili sa ibabaw ng bato, mula sa pasimula ng pag-aani hanggang sa ang ulan ay bumuhos mula sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa himpapawid na dumapo kapag araw o ang mga hayop sa parang kapag gabi.

Read full chapter