Font Size
2 Samuel 21:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 21:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Ang(A) ibinigay ng hari ay sina Armoni at isang Mefiboset din ang pangalan, mga anak ni Saul kay Rizpa na anak ni Aya, at ang limang anak ni Adriel kay Merab.[a] Si Merab ay anak ni Saul at si Adriel nama'y anak ni Barzilai na taga-Meholat. 9 Ibinigay ni David sa mga Gibeonita ang pitong ito, at sila'y sama-samang binigti sa bundok sa harapan ni Yahweh. Nangyari ito nang nagsisimulang anihin ang sebada.
10 Sa buong panahon ng anihan hanggang dumating ang tag-ulan, si Rizpa na anak ni Aya ay hindi na umalis sa kinaroroonan ng mga bangkay. Gumawa siya ng isang silungang sako sa ibabaw ng isang malaking bato at binantayan ang mga bangkay upang hindi makain ng mga ibon at maiilap na hayop.
Read full chapterFootnotes
- 8 Merab: Sa ibang manuskrito'y Michal .