Font Size
2 Samuel 22:31-33
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Samuel 22:31-33
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
31 Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.
Ang inyong mga salita ay maaasahan.
Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.
32 Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.
At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.
33 Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,[a]
at nagbabantay sa aking daraanan.
Footnotes
- 22:33 Kayo … kalakasan: Itoʼy ayon sa Dead Sea Scrolls, Latin Vulgate, Syriac at sa ibang tekstong Septuagint. Sa Hebreo, Ikaw ang matatag na lugar na aking kanlungan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®