Font Size
2 Samuel 22:43-45
Ang Biblia (1978)
2 Samuel 22:43-45
Ang Biblia (1978)
43 Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa;
Aking pinagyurakan sila na gaya ng (A)putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
44 (B)Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan:
Iningatan mo ako na maging (C)pangulo sa mga bansa;
Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
45 (D)Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978