Font Size
2 Samuel 23:16-18
Ang Biblia, 2001
2 Samuel 23:16-18
Ang Biblia, 2001
16 At ang tatlong mandirigma ay pumasok sa kampo ng mga Filisteo, at umigib ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan, kumuha ng tubig at dinala kay David. Ngunit ayaw niyang inumin iyon, kundi kanyang ibinuhos na alay sa Panginoon,
17 at kanyang sinabi, “Malayo nawa sa akin, O Panginoon, na aking gawin ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaki na pumaroon at itinaya ang kanilang buhay?” Kaya't ayaw niya itong inumin. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong mandirigma.
18 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruia ay pinuno ng tatlumpu.[a] At kanyang ginamit ang kanyang sibat laban sa tatlong daan at kanyang pinatay sila, at nagkamit ng pangalan bukod sa tatlo.
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 23:18 Sa ibang kasulatan ay tatlo .