2 Samuel 23:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Kaya palihim na pumasok ang tatlong matatapang na iyon sa kampo ng mga Filisteo, malapit sa pintuang bayan ng Betlehem. Kumuha sila ng tubig sa balon at dinala ito kay David. Pero hindi ito ininom ni David, sa halip ay ibinuhos niya ito bilang handog sa Panginoon. 17 Sinabi niya, “Panginoon, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya hindi ito ininom ni David.
Iyon ang ginawa ng tatlong matatapang na tauhan ni David.
18 Si Abishai na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruya ang pinuno ng 30[a] tauhan ni David. Nakapatay siya ng 300 Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya katulad ng tatlong matatapang na tauhan.
Read full chapterFootnotes
- 23:18 30: Ito ang nasa Syriac at sa ibang teksto ng Hebreo. Sa karamihang teksto ng Hebreo, tatlo. Ganito rin sa talatang 19.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®