Add parallel Print Page Options

17 at kanyang sinabi, “Malayo nawa sa akin, O Panginoon, na aking gawin ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaki na pumaroon at itinaya ang kanilang buhay?” Kaya't ayaw niya itong inumin. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong mandirigma.

18 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruia ay pinuno ng tatlumpu.[a] At kanyang ginamit ang kanyang sibat laban sa tatlong daan at kanyang pinatay sila, at nagkamit ng pangalan bukod sa tatlo.

19 Siya ang pinakabantog sa tatlumpu,[b] at naging kanilang pinuno; subalit hindi siya umabot sa tatlo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 23:18 Sa ibang kasulatan ay tatlo .
  2. 2 Samuel 23:19 Sa ibang kasulatan ay tatlo .