Add parallel Print Page Options

Sinabi ng Dios ng Israel,
Ang (A)malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin:
Ang naghahari (B)sa mga tao na may katuwiran,
Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat,
Sa isang umagang walang mga alapaap;
Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa,
Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios;
Gayon ma'y (C)nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan,
Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan:
Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa.
Bagaman hindi niya pinatubo.

Read full chapter