2 Samuel 23:8-10
Ang Biblia (1978)
Ang mga bantog na lalaki ni David.
8 (A)Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na (B)Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.
9 At pagkatapos niya'y si (C)Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila'y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis:
10 Siya'y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978