Add parallel Print Page Options

Isinensus ni David ang mga Sundalo Niya(A)

24 Muling nagalit ang Panginoon sa mga Israelita, kaya ginamit niya si David laban sa kanila sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya na isensus ang mga mamamayan ng Israel at Juda. Kaya sinabi ni Haring David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Puntahan nʼyo ang lahat ng lahi ng Israel, mula Dan hanggang sa Beersheba,[a] at isensus nʼyo ang mga mamamayan, para malaman ko kung ilan silang lahat.” Pero sumagot si Joab sa hari, “Paramihin sana ng Panginoon na inyong Dios ang mga tauhan nʼyo ng 100 beses, at makita nʼyo sana ito. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:2 mula Dan hanggang sa Beersheba: Ang ibig sabihin, ang buong sambayanan ng Israel.