Add parallel Print Page Options

Pero sumagot si Joab sa hari, “Paramihin sana ng Panginoon na inyong Dios ang mga tauhan nʼyo ng 100 beses, at makita nʼyo sana ito. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito?” Ngunit nagpumilit si David, kaya lumakad si Joab at ang mga opisyal ng mga sundalo para isensus ang mga mamamayan ng Israel. Tumawid sila sa Ilog ng Jordan at nagsimula[a] sa pagsensus sa Aroer, timog ng bayan na nasa gilid ng daluyan ng tubig. Mula roon dumiretso sila sa Gad hanggang sa Jazer.

Read full chapter

Footnotes

  1. 24:5 nagsimula: Itoʼy ayon sa tekstong Griego. Sa Hebreo, nagkampo.