Font Size
2 Samuel 3:27-29
Ang Biblia, 2001
2 Samuel 3:27-29
Ang Biblia, 2001
27 Nang bumalik si Abner sa Hebron, siya ay dinala ni Joab sa isang tabi ng pintuang-bayan upang makipag-usap sa kanya ng sarilinan, at doon ay kanyang sinaksak siya sa tiyan. Kaya't siya'y namatay para sa dugo ni Asahel na kanyang kapatid.
28 Pagkatapos, nang mabalitaan ito ni David ay kanyang sinabi, “Ako at ang aking kaharian ay walang sala magpakailanman sa harap ng Panginoon para sa dugo ni Abner na anak ni Ner.
29 Nawa'y bumagsak ito sa ulo ni Joab, at sa buong sambahayan ng kanyang ama. Nawa'y huwag mawalan sa sambahayan ni Joab ng isang dinudugo, o ng ketongin, o may pantahi,[a] o napapatay sa pamamagitan ng tabak, o ng kinukulang ng tinapay!”
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 3:29 Nagpapahiwatig ng lalaking gumagawa ng gawain ng babae.