Add parallel Print Page Options

33 Ganito ang awit-pagluluksa ng hari:

“O Abner, dapat ka bang mamatay gaya ng isang tulisan?[a]
34 Ikaw naman ay malaya't walang gapos ang mga kamay.
Mga paa mo nama'y hindi natatanikalaan,
ngunit ikaw ay namatay sa kamay ng mga tampalasan.”

Pagkarinig nito'y muling tumangis ang mga tao.

35 Hinimok nila si David na kumain kahit bahagya, ngunit sinabi nito: “Isinusumpa kong hindi ako kakain kahit ano hangga't hindi lumulubog ang araw.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 33 isang tulisan: o kaya'y isang mangmang .