Font Size
2 Samuel 4:4-6
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 4:4-6
Magandang Balita Biblia
4 Isa(A) pa sa mga apo ni Saul ay si Mefiboset na anak ni Jonatan. Limang taon siya noon nang mapatay sa Jezreel sina Saul at Jonatan. Nang dumating ang malagim na balita, dinampot siya ng tagapag-alaga upang itakas. Ngunit sa pagmamadali ay nabitawan siya at iyon ang dahilan ng kanyang pagkalumpo.
5 Isang tanghali, sina Recab at Baana ay pumasok sa tahanan ni Isboset samantalang ito'y namamahinga. 6 Hindi sila namalayang pumasok sapagkat ang babaing bantay-pinto ay nakatulog dahil sa pagod sa paglilinis ng trigo.[a]
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 4:6 Ang talatang 6 ay mula sa isang matandang salin; sa tekstong Hebreo ay Pumasok sila sa loob ng bahay dala-dala ang trigo, at sinaksak siya sa tiyan. Pagkatapos, si Recab at Baana ay tumakas .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.