Font Size
2 Samuel 4:8-10
Ang Biblia, 2001
2 Samuel 4:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Kanilang dinala ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron. Sinabi nila sa hari, “Narito ang ulo ni Isboset na anak ni Saul na iyong kaaway na nagtangka sa iyong buhay. Ipinaghiganti ng Panginoon ang aking panginoong hari sa araw na ito kay Saul, at sa kanyang binhi.”
9 Sinagot ni David si Recab at si Baana na kanyang kapatid, na mga anak ni Rimon na Beerotita, “Habang buháy ang Panginoon na siyang tumubos ng aking buhay mula sa bawat kaguluhan,
10 nang(A) sabihin sa akin ng isang tao, ‘Tingnan mo, si Saul ay patay na,’ na nag-aakalang nagdadala siya ng magandang balita, ay aking hinuli siya, at pinatay ko siya sa Siclag na siyang gantimpalang ibinigay ko sa kanya dahil sa kanyang balita.
Read full chapter