Font Size
2 Samuel 5:17-19
Ang Biblia (1978)
2 Samuel 5:17-19
Ang Biblia (1978)
Nanagumpay laban sa Filisteo.
17 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel, ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David; at nabalitaan ni David, at (A)lumusong sa katibayan.
18 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa (B)libis ng Rephaim.
19 (C)At nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon kay David, Umahon ka: sapagka't tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978