Font Size
2 Samuel 5:18-20
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 5:18-20
Magandang Balita Biblia
18 Dumating ang mga Filisteo at humanay sa kapatagan ng Refaim. 19 Sumangguni si David kay Yahweh, “Lalabanan ko ba ang mga Filisteo? Matatalo ko ba sila?” tanong ni David.
Sumagot si Yahweh, “Lumusob ka at magtatagumpay ka.”
20 Lumusob nga si David at tinalo niya ang mga Filisteo sa Baal-perazim.[a] Sinabi niya, “Nilupig ni Yahweh ang aking mga kaaway na parang dinaanan ng rumaragasang baha.” Kaya, Baal-perazim ang itinawag sa lugar na iyon.
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 5:20 BAAL-PERAZIM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “Panginoon ng Rumaragasang Baha”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.