Add parallel Print Page Options

Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon.

Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na (A)pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda.

Ang Sion ay kinuha.

At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa (B)Jerusalem laban sa mga (C)Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon.

Read full chapter