Font Size
2 Samuel 6:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 6:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Si David at ang buong bayan ng Israel ay buong galak na sumasayaw. Sila'y umaawit sa saliw ng mga lira, kudyapi, tamburin, kastaneta, at pompiyang.
6 Nang malapit na sila sa may giikan ni Nacon, natalisod ang mga baka kaya't hinawakan ni Uza ang Kaban ng Tipan. 7 Nagalit si Yahweh at siya'y pinarusahan sa ginawang iyon. Noon di'y namatay si Uza sa tabi ng Kaban ng Tipan.
Read full chapter