Add parallel Print Page Options

Nagalit si David dahil biglang pinarusahan ng Panginoon si Uza. Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ang lugar na iyon ay tinatawag na Perez Uza.[a] Nang araw na iyon, natakot si David sa Panginoon at sinabi niya, “Paano madadala sa lungsod ko ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon?” 10 Kaya nagdesisyon siyang huwag na lang dalhin sa lungsod niya[b] ang Kahon ng Panginoon. Iniwan na lang niya ito sa bahay ni Obed Edom na taga-Gat.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:8 Perez Uza: Ang ibig sabihin, biglang pagparusa kay Uza.
  2. 6:10 lungsod niya: sa Hebreo, lungsod ni David. Ganito rin sa talatang 12 at 16.