Add parallel Print Page Options

si Mefiboset,[a] anak ni Jonatan at apo ni Saul. Nang maiharap siya kay David, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang.

“Ikaw ba si Mefiboset?”[b] tanong ng hari.

“Ako nga po, mahal na hari” sagot naman nito.

Sinabi ni David, “Huwag kang matakot. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo, alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo.”

Nagpatirapang muli si Mefiboset,[c] at sinabi niya, “Sino po ako para pag-ukulan ng pansin? Ako'y walang silbi!”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .
  2. 6 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal.
  3. 8 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .