Add parallel Print Page Options

Sinabi ni David, “Huwag kang matakot. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo, alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo.”

Nagpatirapang muli si Mefiboset,[a] at sinabi niya, “Sino po ako para pag-ukulan ng pansin? Ako'y walang silbi!”

Tinawag ni David si Ziba at sa harapan niya'y sinabi, “Ibibigay ko sa apo ni Saul ang lahat ng ari-arian niya at ng kanyang sambahayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 9:8 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .