Add parallel Print Page Options

Kay (A) Timoteo na minamahal kong anak: Sumaiyo ang biyaya, habag, at kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

Katapatan sa Ebanghelyo

Nagpapasalamat ako sa Diyos, na pinaglingkuran ko nang may malinis na budhi gaya ng ginawa ng aking mga ninuno, tuwing inaalala kita sa aking mga panalangin araw at gabi. Naaalala ko ang iyong mga pagluha, kaya sabik na sabik na akong makita ka, upang malubos ang aking kagalakan.

Read full chapter